Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents last week.
Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatak-bong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.
Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
2 comments:
OO nga kaya lalong naghihirap ang taong bayan dahil sa mga politicians... hay naku grrrrrrrrr!
hmm...hindi na kataka-taka iyan kaya nga, sinasabing most corrupt country in Asia tayo. nakakahiya!
Post a Comment